Galing me yesterday sa National Bookstore (NBS) to buy some baking books. Dahil may nakita ako last Friday na magandang mga books about baking (paulit-ulit? kakasabi ko lang diba?). Nagpunta ako kahapon about 3 pm, kumain muna me lunch sa Foodcourt ng Trinoma ng mabilisan, then takbo agad sa National Bookstore dahil baka maubos o mawala yung mga last na mga copies ng mga books. Kainis sila dahil “all out” ang style ng mga bookstores meaning wala ng stock na ilalabas in case na manghingi ka. Kung may sira o defect man at gusto mo talaga either you “take it or take it” kung gusting-gusto mo lang naman at halos ikamatay mo ang libro na yun (wag kang OA!).
I bought 2 heavy books sa NBS, as in heavy ha…3 inches ang kapal ng bawat isa kaya heavy-gats (2 kasi binili ko kaya plural) ito, mabali-bali ang balikat ko as in. Tapos lakad-lakad at pasulyap-sulyap at patingin-tingin na animo’y si Tootsie Guevarra ka…at sa the SM North ako napunta, sa the Block yata yun. Kung saan pagakyat ko ay nakita ko ang Fully Booked. Iwan ng mga heavy-gats sa counter then tingin-basa ng buong sigla. Napunta ako sa Lifestyle section, sap arte na may cooking at may booking. Natuwa me sympre dahil ang daming books na hard bound pa at sympre medyo pricey ito dahil impoted (walang “r” talaga kasi British accent ang gusto ko ipahiwatig, try nyo ipronounce madadama nyong British ang accent nyo. Isang tip yan to make your accent distinctive! Tsugug!).
Ayos at may nakita ako book na katulad ng nabili ko sa NBS, ibang version at iba ang topic. Natuwa me sympre ang saya instant collection! Binili at dali-dali ako lumabas at nagtungo sa department store ng SM. Tootsie Guevarra na naman ako (sa mga nalilito at nagtaka kung bakit Tootsie Guevarra ang sinabi ko, pakibasa ang paragraph 2 at huwag maging pagong at uod magisip ok!?). Nakabili ng mga small things na magagamit sa buhay. Napagod at gusto ko na umuwi. Pagkakita ko sa book ko ay, medyo di nakabind mabuti ang book. Medyo umangat na sya at di maganda ang pagkakadikit nito. Hmm..dapat pa ba ko bumalik at papalitan? Aba sympre naman no! Di naman sale at local at mumurahin ang book na binili ko sa Fully Booked!
Bumalik ako at nagpunta sa Customer Service. Pinakita ko ang book. Mega hinala at kala ay sinira ko o may ginawang anomalya sa book. Hello! Kabibili ko lang! at wala ko balak sirain ang mga gamit na binibili ko. Nakita nila na nakaseal pa kaso halata mo na di maganda ang pagkabind nya. Ang problema ay all-out nga at last copy yun nung binili ko. Siyempre alam ko maganda at ayos dahil nakabalot mabuti at di mo makikita ang nilalaman. Eh nagkataon na nakita ko di maganda pagkaka-bind kaya sorry na lang at dapat ko sya ibalik. Ang nangyari ay dapat ko palitan ang book or shall I say dapat nila talagang palitan dahil may damaged ito. In short, sila ang may pagkukulang dun dahil wala silang QC to check their products. Hmmm…Fully Booked pa naman….
Pinalitan ko ng isang heavy-gat na book uli. Same dun sa dalawang nabili ko na books. So, 3 heavy-gats talaga as in balian talaga ng braso at tanggalan ng pulso. Uwi na at gabi na at sobrang pagod na me dahil sa kakalakad at kakabuhat ng mga malabatong mga libro. Paguwi ko excited sa pagbasa o sabihin na natin para iscan lang naman. Laking gulat ko as in OO MALAKI ang pagka GULAT ko ng malaman ko na yung isang libro at yung isa pa na binili ko sa NBS ay parehong pareho ng laman ng binili ko sa Fully Booked! Very deceiving dahil ang cover lang ang pinagkaiba nila! Pero ang mga pages at mga recipes as in verbatim talaga! Dinaan ko na lang sa tawa at pagsabi ng “SHIT” ng nakasmile pa din. Para naman magaan ang feeling sa pagtulog at ng di masira ang gabi.
Kinaumagahan which is ngayon November 1, araw ng mga alam nyo na ay excited at nagmamadaling lumabas at ng makabalik sa the Block sa SM North ng mapalitan ang book. This time ay ako ang may fault bang maitatawag yun na nagkaparehas ang laman ng 2 books na binili ko? Na deceiving ang cover ng 2 books na nabili ko? Na possible pa kaya papalitan ko ang binili ko na book sa Fully Booked? Sumagot kayo sa comment! Punta at nakita ko ang manager na Tuesday Vargas (TV) dun (sa mga di nakakaalam ibig sabihin eh magresearch naman kayo. O kaya naman icomment nyo sa mga ibang readers nyo itanong). Ang nakausap ko ay isang attendant at sinabi ko ang scenario. Sabi nya once lang daw pwede magpalit ng book dahil yun daw sa policy. Ang tanong na UNA, sa una ba ay ako ang may kasalanan na sira or shall I say may damaged ang book nila na di muna nila chineck o pinacheck sa akin? IKALAWA, tama ba na ONCE lang ang policy nila for exchange? considering the following day ay binalik ko agad ng nakaseal uli at walang kagasgas-gasgas! Umiinit ang ulo ko (sa taas) as in!
At ang TV na manager ay parang di iniisip ang sinasabi at super sablay sa decision making skill o sa crisis management skill nya. Ang simple ng scenario, I laid everything to him slash her. Sabi ko pa sa mga cashiers (na slight lang din gumamit ng isip) “ano gusto nyo gawin ko dito? Gawin kong collection? 2 books of the same kind? Na cover lang ang pinagkaiba?”
At nagkasagutan na kami ng TV na manager..heto…
TV: Sir kaso po once lang ang policy ng pagpapalit ng book.
Me: Di ko kasalanan kung may damaged ang 1st book na binili ko sa inyo. Natural dapat ko na isoli at dapat nyo itong palitan. Ngayon pa lang ako magpapapalit dahil this time ako mismo ang may problem sa book na nabili ko dahil same sya sa pages, recipes etc…at cover lang ang pinagkaiba. It’s very deceiving!
May audience impact na dahil pinili nya sa cashier slash customer service counter makipagtalo…in short matao na…
TV: Kasi po sir na register na po sa cash register dun po sa system (at eto na ang di ko kinaya at talaga naman nagpintig ang tenga ko at nanlaki ang eyeballs ko sa sinabi nyang eto..continue…) at kahit iexplain ko pos a inyo di nyo po maiintindihan…(WHAT???!!! Bobo, Tanga ako ba ito??? Manager ka ba or what? Is that right way to handle a problem with your customer/s? Nagtraining ka ba about how to handle complaint/s or problems or whatever? Asan ang crisis management or decision making skill/s mo!?)
Kala nyo magpapatalo ako??? Umasa siya….super butt-in na may tono kesehodang may mga audience na nakatingin…who cares!?
Me: (All caps talaga alam nyo na kung bakit…may tono pero di ko sinigaw naman) I KNOW THE SYSTEM! SO, YOU DON”T HAVE TO EXPLAIN!
Nanahimik ang TV…at nagtinginan ang audience impact sa kanya…
Inopen nya yung pinalit ko na book na mas mahal kesa dun sa prior ko na nabili…dahil for sure dapat mo imaximize ang amount..mas better kung mas mahal ang bibilhin dahil magdadagdag ka eh…pinachek nya ang book mabuti sa akin…at sabi last na daw na palit yun. Sabi ko “FINE!” Nakakairita magsasagot at ginagawa pa yatang tanga ang mga buyers. So rude and impolite! Ok na sana eh kaso dun lang sa sinabi nya uminit ang dugo ko.
Try to go to Fully Booked sa The Block ang you’ll see that TV Manager…For me di dapat ganun ang policy sa pagchange ng books…for as long as nasa good condition, walang damaged at naibalik within 3-5 days, dapat tanggapin nila. Buti pa yung mga crew very understanding. Naturingan na manager ganun pa sya!? OK lang sya?! Sakit nya sa bang! Don’t complicate things! Make it simple! Dapat maireport ang policy nila sa PAMET este sa En Bi Ay…or Di Ti Ay! Bow!
Yun lamang Happy Holloween (lalo sa TV na manager na yun! Take a look!)